Sunday, May 20, 2012

Zambales Tour, May 9-10, 2012

Pundaquit, San Antonio, Zambales


A beautiful view of Pundaquit, over-looking Capones Island


Another Byaheng Jologs I made...After the very tragic insident in my work, a very special friend ask me again to go somewhere. She said, "tara, relax muna tayo...para mag unwind". At syempre, sa katulad kong traveller, marami tayong naka-stock sa notes para sa mga future places na gusto nating makita at puntahan. And she let me decide kung saang lugar. And because we only have a night and two days, I suggest her to go to Zambales. Aside sa malapit lang, I also read from other traveller's blog na maganda raw ang beach and island sa Pundaquit, San Antonio, Zambales.


We arrived Victory Liner bus terminal in Caloocan City around 8:30am. As per net search we must ride bus bound to Iba, Zambales. And the next bus will about to leave by 9:00am. And since we are both first time to go to Pundaquit, as usual, tanungan portion nanaman...nag mumukang tanga lang...LOL..Mababait naman ang driver at kunduktor ng victory liner. Di ka talaga maliligaw sa pupuntahan mo.  Drop-off point is San Antonio Municipal Hall or San Antonio Public Market. From the market, you can buy all the stuffs you need. Kumain muna kami ng lunch, its a four hour travel, and we arrived in San Antonio around 12:00nn. After we eat, tumawag na kami ng trycle papuntang Pundaquit. And since, we already had an advance booking sa Sir William's Lodge, diretso na kami dun. Kinailangan ko mag advance booking ng matutulugan because of my friend na di naman sanay sa gusto kong Byaheng Jologs. Medyo sensitive kasi ang balat ng kasama ko to insect bites....sensitive daw oh....weeh!

Here are some of my jologs pictures taken in Pundaquit....The place was so quiet and peaceful  that time...Sinadya namin na weekdays kami pumunta.  Alam nyo na...para umiwas sa crowd and baka kasi kami magkapalit-palit na ng mukha sa dami ng taong pumupunta dun every weekends...O, diba ang sarap pag solo mo ang beach....parang pag-aari mo ang buong dalampasigan...Naisip ko bigla ang mga kasamahan ko sa trabaho na sa lahat ng hirap at ginhawa lagi ko kadamay...Sabi ko sa sarili ko, next time dadalhin ko sila dito...Nakaka-relax talaga dito...malayo ka sa syudad na maingay, mausok at napakaraming tao...Pag pagod ka...itong mga lugar na ganito ang masarap puntahan...
After eating our breakfast the following day, we decided to ride on a boat to Anawangin Cove and Nagsasa Cove.

Anawangin Cove from our boat. Getting excited....



Touchdown...Anawangin Cove. The island was known as a camping site for those who likes more adventure. You can stay here overnight sleeping on a tent, do some bonfire and ihaw-ihaw. Just don't forget to bring stuffs for your camping needs.

Grabe ang ganda ng lugar, pine trees around you from where you can set-up your tents, may lagoon adjacent to the beach and a man made wooden bridge from the sea shore to the lagoon. Yun ang advantage pag walang masyadong tao. For me kasi, mas nakikita ko ang beauty ng isang lugar pag malaya ko itong nakikita sa ordinaryong araw.



View of Nasasa Cove from our boat.
After seeing Anawangin Cove, our next destination is the Nagsasa Cove...In going to the place, we have to ride again on a boat for another 30mins. Pagsakay mo pa lang sa bangka, marami ka ng makikitang magagandang view along the way....But one thing I noticed...kokonti na lang ang nakikita kong mga puno sa kabundukan. Naisip ko at naitanong sa sarili...ganito na ba talaga ang itsura ng bundok ng Pilipinas? Paanu na kung patuloy pang mawalan ng puno ang ibang kabundukan natin? Makikita pa kaya ito ng mga anak ng anak ko?




                                                                    


Watta place!...Nawalang panandalian sa isip ko ang problema nung mga oras na yun...Tanging nasa isip ko ay paghanga sa lugar na nakikita ko...sa tubig at dagat na parang walang katapusan sa paningin ko...walang kasawaan ang aking mga mata na ilibot ang aking paningin sa buong paligid...Pangaraping muling makabalik dito at ulit- uliting pagmasdan ang buong paligid....Inang Kalikasan...napakabait mong tunay...Ipinauubaya mo sa aming mga tao na pagmasdan ka at maramdaman...Taglay mo'y walang kapantay na kaligayahan...Sana lang ika'y pag-ingatan, upang ikaw lalong yumaman....



Bilang bahagi ng objective ng Byaheng Jologs ang makiisa sa pag-iingat ng Mother Earth, isang mensahe lang para sa mga kapwa ko byahera, bakasyonista, turista at simpleng pamamasyal..."Do not leave your waste or trash in every place you go...but only good and joyful memories to treasure"....Peace!
Love our Mother Nature...